Mga karaniwang tanong
Ano ang kasama sa presyo?
Ang lahat ng mga pasilidad na nakalista sa ilalim ng 'Uri ng kuwarto' ay kasama sa presyo ng kuwarto. Para makita ang mga pasilidad, i-click lang ang pangalan ng kuwarto. Makikita mo kung kasama ang almusal o anumang iba pa, gaya ng tax sa pamamagitan ng pagtapat ng iyong cursor sa ibabaw ng teksto sa column na tinatawag na ‘Mga kondisyon’. Makikita rin ang impormasyong ito sa iyong confirmation email at sa ‘‘
My RouteHotels’.
Puwede ba akong gumawa ng reservation nang hindi gumagamit ng credit card?
Kailangan ang valid credit card upang tiyakin ang iyong reservation sa karamihan ng mga hotel. Nag-aalok kami ng kaunti ngunit lumalaking bilang ng mga hotel na tumatanggap ng iyong reservation nang walang credit card. Maaari ka ring mag-book gamit ang card ng ibang tao basta't may permiso ka niya. Sakaling ganoon nga, mangyaring banggitin sa kahon ng ‘Mga Special Request’ ang pangalan ng may-ari ng card at sabihin din na binigyan ka niya ng permisong gamitin ang card nang isagawa mo ang booking.
Paano ko malalaman kung kumpirmado na ang reservation ko?
Ipapakita ang confirmation page pagkatapos mong makumpleto ang proseso ng booking. Nasa pahinang ito ang lahat ng detalye ng iyong reservation, kasama na ang booking number at ang iyong PIN code, para ma-access mo nang online ang iyong kumpirmasyon sa ‘
My RouteHotels’. Padadalhan ka rin namin ng confirmation email na naglalaman ng lahat ng impormasyon ng iyong booking.
Puwede ko bang kanselahin o baguhin ang reservation ko sa RouteHotels?
Oo, madali lang. Puwede mong kanselahin o palitan ang iyong booking gamit ang aming self-service tool na ‘
My RouteHotels’. Tandaan na tingnan ang patakaran sa pagkansela ng hotel bago gumawa ng anumang pagbabago sa iyong booking. Ang mga hindi refundable na kuwarto at iba pang special deal ay maaaring may ibang patakaran sa pagkansela. Sa tabi ng 'Uri ng kuwarto' sa ilalim ng column ng ‘Mga kondisyon’ ang impormasyon para sa pagkansela ng partikular na kuwarto.
Ano ang aking PIN code at saan ko ito kakailanganin?
Ang iyong PIN code ay ang 4-digit number sa iyong booking confirmation na kapag ginamit kasama ang iyong booking number ay ila-login ka nito sa ‘
your.booking.com’. Sa ‘
your.booking.com’ maaari mong tingnan, kanselahin, o palitan ang iyong booking. Huwag ipaalam sa iba ang iyong PIN code.
Saan ko makikita ang contact information ng property?
Kung mayroon kang tanong tungkol sa property bago ka mag-book, mangyaring tingnan ang impormasyon sa "Mga Patakaran" at "Mga Pasilidad" ng property na iyon sa aming website. Kung hindi mo makita ang sagot doon, makipag-ugnayan sa Customer Service sa pamamagitan ng telepono o email. Ikalulugod naming ipadala ang tanong para sa iyo.
Matapos na makapag-book ka, ang lahat ng mga detalye ng property ay makikita sa online booking confirmation. Nasa confirmation email din ang impormasyon ito, at makikita sa
Ayusin ang Booking. Nasa RouteHotels mobile app din ang impormasyong ito.
Paano ko makikita kung magkano ito?
Kapag inilagay mo ang iyong mga petsa, ipapakita ang mga available na accommodation at ang mga rate ay nakalista rin. Maaaring magkaroon ng magkaibang rate ang parehong uri ng accommodation, at ang presyo ay nakadepende sa dami ng taong tumutuloy doon, kung kasama o hindi ang almusal, at kung puwedeng kanselahin o hindi ang reservation.
Inilalagay ko na ang mga detalye ng aking credit card, kailan ako magbabayad?
Iba-iba ang proseso ng pagbabayad para sa iyong paglagi, depende sa hotel at sa uri ng kuwarto. Maaari mong malaman kung paano ka sisingilin sa 'Mga Patakaran ng Hotel', na matatagpuan sa deskripsyon ng kuwarto sa ilalim ng 'Mga Kondisyon' at sa iyong booking confirmation.
Kailangan ba ng deposito o ng paunang bayad ang hotel?
Hindi humihingi ng paunang bayad o deposito ang karamihan sa mga hotel. Subalit kung gayon, makikita mo ang mga detalye sa 'Mga Patakaran ng Hotel' sa pahina ng hotel sa RouteHotels at sa iyong confirmation email.
May kasama kaming mga bata. Puwede ba kaming kumuha ng karagdagang kama/higaan para sa kuwarto?
Ang impormasyon tungkol sa mga bata at karagdagang kama/higaan ay makikita sa ‘Mga Patakaran ng Hotel’. Mangyaring tandaan ang mga sumusunod:
- Ang dagdag na bayad sa mga bata, kung mayroon man, ay hindi kasama sa presyo ng reservation.
- Sa iyong pagbu-book, mangyaring ilagay ang iyong kahilingan sa kahon ng "Mga Special Request" para sa kahit anong karagdagang kama/higaan.
- Kung nag-book ka na ng iyong kuwarto, i-click lang ang link na kasama sa email confirmation at sa My RouteHotels para humiling ng karagdagang kama.
- Pinapayuhan ka namin na tawagan ang hotel bago ang araw ng pagdating upang matiyak ang iyong hiling. Makikita mo ang contact information ng hotel sa iyong confirmation email.