Ilagay ang booking number at PIN code na makikita sa iyong kumpirmasyon upang makita, mapalitan, o maikansela ang isang booking.
Ipapakita ang confirmation page pagkatapos mong makumpleto ang proseso ng booking. Nasa pahinang ito ang lahat ng detalye ng iyong reservation, kasama na ang booking number at ang iyong PIN code, para ma-access mo nang online ang iyong kumpirmasyon sa ‘My RouteHotels’. Padadalhan ka rin namin ng confirmation email na naglalaman ng lahat ng impormasyon ng iyong booking.
Oo, madali lang. Puwede mong kanselahin o palitan ang iyong booking gamit ang aming self-service tool na ‘My RouteHotels’. Tandaan na tingnan ang patakaran sa pagkansela ng hotel bago gumawa ng anumang pagbabago sa iyong booking. Ang mga hindi refundable na kuwarto at iba pang special deal ay maaaring may ibang patakaran sa pagkansela. Sa tabi ng 'Uri ng kuwarto' sa ilalim ng column ng ‘Mga kondisyon’ ang impormasyon para sa pagkansela ng partikular na kuwarto.
Kailangan ang valid credit card upang tiyakin ang iyong reservation sa karamihan ng mga hotel. Nag-aalok kami ng kaunti ngunit lumalaking bilang ng mga hotel na tumatanggap ng iyong reservation nang walang credit card. Maaari ka ring mag-book gamit ang card ng ibang tao basta't may permiso ka niya. Sakaling ganoon nga, mangyaring banggitin sa kahon ng ‘Mga Special Request’ ang pangalan ng may-ari ng card at sabihin din na binigyan ka niya ng permisong gamitin ang card nang isagawa mo ang booking.
Kung mayroon kang tanong tungkol sa property bago ka mag-book, mangyaring tingnan ang impormasyon sa "Mga Patakaran" at "Mga Pasilidad" ng property na iyon sa aming website. Kung hindi mo makita ang sagot doon, makipag-ugnayan sa Customer Service sa pamamagitan ng telepono o email. Ikalulugod naming ipadala ang tanong para sa iyo.
Matapos na makapag-book ka, ang lahat ng mga detalye ng property ay makikita sa online booking confirmation. Nasa confirmation email din ang impormasyon ito, at makikita sa Ayusin ang Booking. Nasa RouteHotels mobile app din ang impormasyong ito.
* Kailangang punan ang mga kahong may asterisk.
Uitklapbare teksten